Wednesday ng gabi, Nov 16, 2011 nag-away sila mama at papa.
Habang nakikinig sa kanilang palitang ng mga salita, hindi ko maiwasang maiyak. Iba na kasi eh. i really hate it! that time, wala akong magawa kundi, makinig lang. Ayaw ko na sanang makinig pa, pero 'di talaga maiwasan. Gusto silang awatin, pero 'di ko rin magawa. I'm useless. Kasi, pag ginawa ko naman, mas iiyak ako. Ayaw kong ipakita sa kanila na umiiyak ako. Nakakahiya. Gaya ngayon, habang isinusulat ko to, parang gustong tumulo ng luha ko.Pinipigilan ko naman. Baka kasi magataka sila. Kung anong nangyayari sa akin. Huhuhuhu. Napaiyak ako nun dahil sa palitan ng kanilang mga masasakit sa salita, na para bang gusto na nilang magkahiwalay! Ayun, inisip ko yung posibilidad. Kaya hayun, naiyak ako.Pero, in silent mode. Ang hirap nun. Pinipigilan ko kasi.
Bukas, kinaumagahan.Nagising ako. Mabuti na lang, hindi namaga 'yong mga mata ko.Naging okay naman ako. Masaya ako pagdating sa school. Nagtatawanan kami ng mga friends ko. 'kala ko,okay lang ako.
Lunch break namin, kumain kami. Bigla akong natigilan. at maya-maya, umiyak. Nagtaka tuloy 'yong mga friends ko.Ano ba daw ang nagyari sa akin. Nung una, pilit kong pinipigilan 'yong mga luha ko. Dirideretso lang ako sa pagkain. Nagsimula akong umiyak nung tinanong na ako ni Arlene na "Naunsa diay ka leen"? ANo ba daw ang nagyari sa akin. Napansin kasi niya na parang iiyak na daw ako. 'yong mga mata ko raw. Doon, tumulo na talaga ang mga luha ko. Tinatakpan ko naman ng panyo ang mukha ko. Naalala ko kasi 'yong pangyayari kagabi. Yong posibilidad na magkakahiwalay na sila mama at papa. Tingin ko kasi, 'di ko kaya, HUhuhhuhu. Ito na naman, pinipigilan ko namang maiyak. HUhuhuhu. Patuloy ang pagtulo ng luha ko. NAgtaka talaga sila. Sino ba daw ang umaway sa akin. HInawakan ni Liney 'yong balikat ko, mas lalo na tuloy akong umiyak. Sabi niya "Leen". Humagulhul na ako. Pilit ko pa rin pinipigilan kahit ang sakit na. Pagkatpos nun, ishinare ko sa kanila kung bakit ako ganun. Sabi pa nga ni Arlene "Leen, kahilakon gud ko pagkakita naq na nihilak pud ka.Pagtoo nako ba na basig naay namatay". Napatawa ako sa sinabi yan 'yong.Sabi kasi niya, muntik na rin daw siyang maiyak ng makitang umiiyak rin ako. Kasi akala niya, may namatay ba daw.. Nang araw na 'yon, parang ayaw ko ng umuwi ng bahay. Baka maabutan ko lang silang nag-aaway ulit. Ang hirap talaga.
Paka Friday. Nagkaayos sila. Ang akala ko talaga, hindi na. Mukhang malabo. Masasabi ko talagang ang bait bait ng papa ko And i do love him so much. Hindi ko man masyadong pinapakita sa kanya, pero deep inside my heart, 'yon ang nararamdaman ko.Nahihiya kasi ako. Pati kay mama. Kahit paminsan-minsan, nagagalit ako sa kanya, I still love her. She's my mother. Hindi ko kayang sabihin sa kanila 'yong mga katagang "I Love You" and "Thank you". Kundi hanngang sulat lang. Sa personal, hindi ko pa talaga 'to nasasabi. Siguro, yong Thank You, nasasabi ko pero sa pabirong paraan. Cheesy kasi masyado eh. Nahihiya ako. In some other ways naman, pinapakita ko na nagpapasalamat ako sa kanila at mahal ko sila. Secret na lang 'yon.
Pakatapos ng pangyayaring 'yon, nagkabati na sila, Nakahinga ako ng mabuti. MAluwag na sa puso. <3
I Love You Mama and Papa...<3
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento